Lunes, Marso 28, 2011

Si Janjan at Ang Kaniyang Munting Pangarap


           Si Janja ay isa lamang sa maraming kabataan na nangangarap magkaroon ng isang maayos na kinabukasan. Nangangarap siya na maging isang artista na sisikat sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaalaman at talento. Kaya ng mabigyan ng pagkakataon upang makasali sa Willing Willie noon last March 12, 2011, ay hindi nagdalawang isip na ipakita ang talento sa pagsasayaw. Sa pag-asang sa pamamagitan nito ay makakakuha siya ng atensyon upang mapansin ang kaniyang talento at maging daan upang matupad ang kaniyang mga pangarap. Subalit sa kasamaang palad, dahil sa mga MAKASARILI, at GANID, NA INTERES, MALISYOSO AT MAKITID NA PAG-IISIP NG ilang nating kababayan ay tila hahadlangan ang mga pangarap ni Janjan dahil di umano ay sa pang babastos ng Willing Willie.
           Napanuod ko ang nasabing episode kung saan ay isa si Janjan sa mga kontestant, sa aking sariling opinyon at pagtataya, wala akong makitang sapat na dahilan ng pambabastos kay Janjan, Marahil ay natawa ang host na si Willie at maging ang mga audiences sa loob ng studio, subalit ito ay dala at bunga ng ilang mga impormasyong ibinigay ni Janjan, at wala namang intensyon na bastusin si Janjan. Binibigyan ng pagkakataon lahat ng kontestant na maipakita ang kanilang sariling talento at isa janjan sa mga ito kaya nakagugulat man sa ang estilo sa pagsasayaw eh nakatutuwa na isang bata ang nakakagawa ng ganitong uri ng pagsayaw. Napakagaling ni Janjan sa pagsayaw bagaman at mapapansin ang luha sa kaniyang mga pisngi na hindi naman natin nalaman ang dahilan ng mga oras na iyon. subalit ng magkaroon ng pagkakataon na matanong si janjan sa episode ng Willing Willie kagabi March 28, 2011 ay kaniyang sinabi na "natakot po ako kay Balingit" at iyon pala ang dahilan ng mga luha niya habang sumasayaw.
          At ang pagkakataong ito ang sinamantala ng mga masugid na NANINIRA KAY WILLIE, sila yung mga taong walang hinangad na mabuti para sa kanilang kapwa, sila rin yung mga taong nagclaim na mga propesyunal at intelektwal subalit sa kanilang mga ugali ay tila isa sa mga asal kalyeng tambay. Sila rin yung mga taong hindi matanggap na sa kanilang mga pagkakamali at paninira kay Willie ay nanatili itong matatag at matagumpay na hindi nila nakamit sa kasalukuyan katulad ng kay Willie na mahal na mahal ng masang pilipino.
         Nakapagtataka rin na out of a sudden eh to the rescue ang Department of Social Welfare and Development sa pangunguna ni Sec. Dinky Soliman, na kaagad na sumulat sa mga Executive ng TV5, subalit madam Sec. napansin mo ba na ginawa ito ni Janjan para matupad ang kaniyang pangarap na maging isang sikat na artista? Napansin nyo rin po ba ang malinaw na ito ang talento ni Janjan ang pagsasayaw at ito ang kaniyang ipinakita ng mga oras na iyon. Free will ng bata na sumayaw ng gabing iyon.
        Just in case hindi po nalalaman ng Tanggapan nyo Madam Sec. Soliman eh mas marami pong mga KABATAAN na may edad 15-17 ang NAGSASAYAW AT NAGHUHUBAD sa harapan ng kanilang mga parokyano sa mga BAR, maging sa lansangan hindi nyo maikukubli ang malaking bilang ng mga KABATAAN na inyo ring dapat ipinagtatanggol, mga batang nagbebenta ng aliw, nanghohold up, snatcher, at kung ano ano pa, hindi nyo po ba sila makita? at si Janjan na walang kasalanan kundi ang tuparin ang kaniyang pangarap sa kaniyang sariling paraan na ang naging daan ay ang programa ni Willie.
       Ipapatawag di umano sa Senado ang host ng Willing Willie na si Willie Revillamie, sa ano kayang paglabag? Ganito na ba kababaw ang kaisipan ng ating mga pinuno kaya pati ang isyung ito ay pinalalaki at nakikisawsaw? Naku po mas maraming mahahalagang isyung dapat nyong tutukan, ilan dyan eh yung mga kababayan nating nakasalang sa deathrow sa China, mga kababayan nating nanganganib sa Libya at Japan? Sila po ang pagtuonan nyo ng pansin at wag ng pagamit sa makasariling interes ng ilang higanteng network na walang magawa kundi siraan si Willie.
        Dapat pa nga pasalamat ang mga opisyal ng pamahalaan kay Willie, kasi wala silang magawa para mabawasan ang hirpa na pinapasan ng ating mga kababayan gayung sila ang ating mga opisyal at kinatawan ng masang pilipino. Si Willie ang NAGPUPUNO NG MGA PAGKUKULANG NG GOBIERNO NATIN SA PANAHON NG MGA PAGTATAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN. SI WILLIE ANG AGARANG TUMUTULONG SA ATING MGA KABABAYAN SA PANAHON NG KANILANG MGA PANGANGAILANGAN. NASAAN KA SEC. SOLIMAN NUNG PANAHON KAILANGAN NG TULONG NG MGA BIKTIMA NG AKSIDENTE SA MAKATI, WALA KA RON PERO SI WILLIE NAROON AT NAGPAABOT NG KANIYANG TULONG SA MGA PAMILYA NG BIKTIMA.
     

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento