Miyerkules, Marso 23, 2011

Graduation Fees: Tama at Nararapat lang Ba?

        Ang pagtatapos ay isa sa pinakamahalagang araw para sa isang magulang na nagsumikap na mapag aral ang kaniyang mga anak. Ito rin ang pinaka espesyal na araw para sa kanila, sapagkat sa araw na ito ay nasasaksihan nila ang gantimpala at tagumpay ng kanilang minamahal na mga anak pagkalipas ng apat na taong pagtitiis at pagbata ng hirap ng buhay. Ilang meryenda nga ba ang kanilang pinalampas para lamang makapagtipid upang may maibigay na baon sa anak sa pagpasok nito kinabukasan. Ilang beses rin bang nagtiis na makapagtipid sa ulam para lamang may maibayad sa matriculation at miscellaneous fee ng kanilang mga anak.? Ilang beses rin bang pinili na lang ang maglakad patungo sa trabaho para lang maidagdag sa pambayad sa mga proyekto ng minamahal nilang anak. at ngayon ang araw ng pagtatapos ay nalalapit na subalit tila mayroong hahadlang pa..
        Graduation Fees, tila bombang sumabog sa pandinig ng bawat isang mga magulang na walang hinangad kundi ang makita ang kanilang mga anak na tinatanggap ang kanilang mga diploma pagkatapos ng apat na taon. Bayarin na kailangang mabayaran bago pa makagraduate, bayarin kung hindi matutugonan ay magiging dahilan upang hindi makasama ang anak sa araw na kanilang pinanabikan.
        Pero tama nga ba na mag impose ang isang paaraalan lalo na ang mga pampublikong paaralan ng ganitong mga bayarin? Sa aking palagay, tila nakakalimutan na ng mga administrador ng paaralan ang kanilang mga papel at responsibilidad. Bakit kailangan nilang ipapasan sa mga magsisipagtapos ang halos lahat ng gastos sa paghahanda ng araw ng pagtatapos sa kanikanilang paaralan? Hindi ba maaaring gawing mas simple ang pagtatapos upang sa gayon ay maging maalwa sa pakiramdam ng mga magulang.?
       Kunsabagay, sasabihin lang ng mga administrador na ito, na napagkasunduan ng Parents Teacher Association (PTA) officers, kaya madali silang nakakalusot sa pananagutan. at sinasabi rin nilang voluntary ang ganitong uri ng bayarin subalit pagkalipas ng mga araw na hindi nakapagbayad ang nagsipagtapos tila naman mga hayop na buwaya ang ilang administrador ni hindi pinapayagang mairelease ang mga kaukulang credentials ng mag-aaral hanggat hindi nito nababayaran ang mga bayarin sa Graduation Fee, Electric Bills, Barangay Tanod Fees, Test Paper Fees, at bayarin para sa paglilinis at pagtatabas ng mga damo sa paaralan. 
        Ano nga ba ang mga regulasyon o patakaran patungkol sa mga bayarin sa loob ng paaralan? Dapat bang pilitin makapagbayad ang mga magulang ng mga batang nag-aaral sa pampublikong paaralan at hindi pakunin ng mga exam dahil sa pagkabigong mabayaran ang mga bayaring nabanggit sa itaas? Kayo sa palagay nyo nararapat ba ang paniningil ng gradution fee sa mga magsisipagtapos? 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento